Tanggap Ko

matagal na kitang mahal
pag-aari mo ang puso ko
at kaluluwa
karugtong ka ng aking hininga
Lahat ng bagay sayo aking ibibigay

Ngunit hindi mo ito alam
Para sa iyo ako’y kaibigan lang
Wala ka mang ibang minamahal
Puso mo’y hindi mo kayang ipagkaloob sa akin

Huwag kang mag-alala
Ito’y tanggap ko na
Hindi mo man masuklian
ang damdamin ko
Hayaan mo sanang
ako’y patuloy na umibig sayo
Hindi ako aasa,
Hindi ako maghihintay,
Kahit sa bandang huli
magmahal ka ng iba.
Ipipikit ko ang aking mata
Luluha ako ng mag-isa
Huwag kang malungkot
Lahat ng ito ay tanggap ko na.

Advertisements