Humihiling

Humihiling, nagsusumamo
Ako ba’y Iyong pagbibigyan?
Hindi naman langit ang gusto kong makamtan
Ayaw ko lamang maging mag-isa

Marunong naman ako magmahal
Hindi ako maramot o nagagalit ng walang dahilan
Tila ako’y hindi kapansin-pansin
O panlabas kong anyo ay karimarimarim

Humihiling, nagdarasal
Ako ba’y Iyong pakikinggan?
Bukas ba’y makikilala ko na siya?
Ako ba’y iibigin niya sa wakas?

Hindi ako nagmamadali
Hindi rin ako maarte o mapili
Tila kasing ako’y wala ng pag-asa
Ang nais ko lang naman ay magkaroon ng makakasama

Nagsusumamo, nagdarasal
Humihiling sa Taas, sumisigaw
Pagmamahal, tanging pagmamahal lamang
Hindi ko kakayanin mabuhay mag-isa.

%d bloggers like this: