ayoko na
puso ko’y sumusuko na
wala ng pag-asa
di na kakayanin pa
kahit anong dasal sa Diyos
hindi mapagbibigyan
binigay ko lahat sa iyo
kahit hindi akin ipinagkaloob ko
pagod nang lumaban
wala naman kasing
patutunguhan
hindi puwedeng ipilit masakit mang isipin
kay tagal mang hinintay
hindi na puwedeng mangyari
mahal kita,
puso ko’y iyong-iyo
ano ang aking gagawin
kung ako nama’y di mo gusto.